Nais suportahan ng Firetree Philanthropy ang mga programang tumutugon sa mahihirap at malalalim na problemang kinakaharap ng mga komunidad sa Timog at Timog-Silangang Asya. Ang mga proyekto at programang ito ay tumutugon sa mga ugat ng problema na kadalasan ay malalim na nakabaon sa mga sistema.
Nakikita namin ito bilang isang intensyonal at ‘collaborative’ na proseso upang baguhin ang mga ugat ng kasalukuyang sitwasyon sa isang komunidad o sistema, upang ang komunidad o sistemang ito ay maging mas pantay, makatarungan at inklusibo para sa lahat ng miyembro.
Ang kolaborasyon at pakikipagtulungan ay mahalaga sa pagkamit nito. Hindi ito magagawa ng iisang organisasyon lamang.
Ang Firetree Philanthropy ay hindi naglalayon ng tuloy-tuluyang pag-operate ng entity na ito. Sa halip ay nais nitong epektibong mailaan ang lahat ng mga ari-arian nito (pinansyal at hindi pinansyal) tungo sa pagkamit ng misyon nito.