top of page

Our Values

Three young children holding hands and walking down a dirt and grass path.

Ang aming mga values ay mahalagang gabay sa lahat ng aspeto ng aming trabaho at pakikipagugnayan - maging sa loob ng aming organisasyon, sa mga partners, at sa mga komunidad at iba pang mga stakeholders na aming pinaglilingkuran. 

 

Tiwala at Empatiya:

Pinahahalagahan namin ang pagbuo ng tiwala sa lahat ng nakakatrabaho namin, mula sa mga miyembro ng komunidad, sa mga partner, sa mga kasama namin sa organisasyon at pati na rin sa iba’t-ibang mga organisasyon na aming nakakasama. 

 

Paggalang at Transparency: 

Alam namin na di hamak na mas mahirap ang trabaho ng mga organisasyon at taong nakatuon sa paglutas ng mga problemang panlipunan kaysa sa mga funders o nagpopondo ng mga programa.  

 

Kaya’t layunin naming palaging igalang ang kaalaman at karanasan ng mga lokal na organisasyong ito at hindi namin kailanman ipagpapalagay na mas may alam kami sa kanilang trabaho at mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran. 

 

Kasama sa paggalang na ito, nilalayon naming palaging maging malinaw, bukas at transparent sa lahat ng aming mga talakayan, desisyon at pag-aaral.​

 

Pakikinig at Pagiging Bukas sa Bagong Kaalaman:

Naghahanap kami ng mga kasamahan at partner na pinahahalagahan ang pakikinig at bukas sa pagkakatuto. 

 

Sinusubukan naming matuto sa hangga’t kaya namin tungkol sa mga lokal na konteksto bago kami gumawa ng anumang pagpapasiya o desisyon.  Kapag hindi malinaw, kami ay nagtatanong.  At magtatanong muli kung kailangan. At higit sa lahat, kami ay handang makinig. 

 

Humility o Kababaang-loob:

Bilang isang funder, nais naming mabigyan ng tunay at epektibong suporta ang aming mga partner.  Alam naming hindi kami palaging nagtatagumpay rito ngunit patuloy namin itong pagsisikapan.

 

Patuloy kaming nagninilay, natututo at naghahanap ng feedback. Layunin naming maging bukas tungkol sa aming mga pagkakatuto at aming mga pagkakamali - bago namin ito mahiling sa iba, kailangang mauna kami sa paggawa nito. 

 

Malinaw sa lahat ng aming ginagawa na hindi kami ang bida rito. Hinahangad namin na maging nasa likuran lamang, sumusuporta sa abot ng aming makakaya, at hayaan na ang mga gumagawa ng pagbabago sa komunidad, ang mga lokal na organisasyon at network ang manguna.

 

Mga Responsibilidad at Panganib:

Sama-sama tayong may kakayahang magdala ng pagbabago. Ngunit kasama nito ang malaking responsibilidad na pag isipan at pag pasiyahan ng mabuti ang lahat ng aspeto ng ating trabaho. 

 

Kabilang ng responsibilidad na ito, naniniwala kami na bilang isang private trust (kasama ang mga pribilehiyong dulot nito) kaya at dapat naming maisama ang mga “calculated risks” sa mga uri ng programa na aming sinusuportahan.

 

Collaboration o Pakikipagtulungan:

Naniniwala kami na ang pakikipagtulungan ay mahalaga sa pagkamit ng pangmatagalang pagbabago. Habang naghahanap kami ng mga partner na isinasabuhay ito, nilalayon din naming i-modelo ito sa aming sarili – sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga partner, sa ibang mga funders, mga alyansa o sa pagpondo ng mga network at programang may layunin na ipagsama ang mga stakeholder.

Accountability o Pananagutan:

Ang aming pananagutan ay mamamalagi sa mga komunidad kung saan nagtratrabaho ang aming mga inisyatiba at partner - at sa mga kabataan, magulang at pamilya na bumubuo sa mga komunidad na ito. Sa kanila lamang, walang iba.

 

Hindi sila mga numero, sila ay mga indibidwal na may mga pangarap, takot, pangangailangan at pag-asa. Hindi kami nagtatrabaho para sa iba kundi para sa bawat isa sa kanila. Sinusubukan naming buuin ang aming organisasyon at diskarte upang maisabuhay at mapalakas ang pananagutan na iyon.

bottom of page