Firetree Senior Fellowship
“Sometimes a quiet walk with trusted friends can help you reflect on the next steps of a longer journey.”
Ang Firetree Senior Fellowship ay isang pilot program na naglalayong suportahan ang mga values-aligned na lider na nakatuon sa mga komunidad na pinaglilingkuran ng Firetree. Sinusuportahan ng fellowship ang mga senior lider na kasalukuyang dumaraan sa panahon ng pagbabago at nais bumuo ng bagong inisyatiba.
Ito ay idinisenyo bilang isang flexible fellowship kung saan angkop ang suporta nito sa mga pangangailangan ng bawat lider. Sa loob ng isang taon, ang mga Firetree Fellows ay inaanyayahang sumali sa mga online at in-person na mentorship o learning sessions. Ayun sa kanilang mga indibidwal na sitwasyon, ang mga lider ay maaaring tumanggap ng stipend o maliit na pondo para sa pagsuri ng kanilang ideya.
Mahalagang tandaan na ang fellowship ay idinisenyo upang mabigyan ng oras at pagkakataon ang mga lider na makapagnilay-nilay at suriin ng mabuti ang kanilang susunod na tatahaking daan. Ang suporta ng fellowship ay nakatuon sa indibidwal na lider sa halip na sa ideya or proyekto nila lamang. Sa ilang mga kaso, maaaring ang mga proyektong ibinubuo ng mga fellows ay nasa labas ng mga lugar at isyu na maaaring pondohan ng Firetree Philanthropy. Dahil dito, walang pangako mula sa Firetree Philanthropy na mapopondohan ang kanilang mga inisyatiba pagkatapos ng fellowship.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa fellowship criteria at proseso, maaaring i-download dito ang fellowship overview.
Kilalanin ang Aming Kasalukuyang Firetree Fellows
BOWIE LAM
Mula sa Sihanoukville, Cambodia, sinusuri ni Sarin kung paano makakatulong ang kalikasan at outdoor activities sa paglaki, pagkatuto, at pag-unlad ng mga kabataan.
LIDA LOEM
Mula sa Singapore, sinusuri ni Léa ang pagbuo ng iba't-ibang mga espasyo at komunidad sa Southeast Asia kung saan maaaring payamanin ang kaalaman at pakikipag-ugnayan tungkol sa climate change.
SARAKK RITH
Mula sa Siem Reap, Cambodia, sinusuri ni Sarakk ang kaugnayan at epekto ng financial literacy sa kapakanan at pag-unlad ng mga kabataang galing sa mga komunidad sa kanayunan.