How We Work
Ang aming mga values ay ang basehan kung paano kami nagtatrabaho at ang pundasyon ng lahat ng pangmatagalang relasyon at partnership na aming binubuo.
Ang aming Pilosopiya sa Pagpopondo:
Palaging nasa sentro ng aming paraan ng pagpopondo ang “trust-based philanthropy” - maging sa pagpondo ng mga external partner o sa pagbuo ng aming mga collaborative initiatives.
Ang bawat partnership ay nakabatay sa mga pangangailangan at konteksto ng aming mga partner na organisasyon. Nakikita namin ang aming tungkulin bilang pagsuporta sa kanila sa pagkamit ng mga shared outcomes sa mga komunidad, sa halip na sa pagkontrata ng mga partikular lamang na serbisyo.
Ang paraan ng aming pagtratrabaho at pagpopondo ay palaging nagbabago habang kami ay natututo at nakakakuha ng feedback mula sa aming mga partner. Maaari basahin sa blog na ito ang higit pang detalye tungkol sa aming pagpopondo, kung paano kami nagtratrabaho at kung ano ang hinahanap namin sa mga partner. Nakakahanap kami ng bagong mga partner sa pamamagitan ng mga network at mga referral mula sa aming mga kasalukuyang partner.
Nais suportahan ng Firetree Philanthropy ang mga inisyatibang tumutugon sa mahihirap at malalalim na problemang kinakaharap ng mga komunidad sa Timog at Timog-Silangang Asya.
Makakamit natin ang misyong ito sa dalawang paraan: sa direktang pagpapatakbo ng mga collaborative initiatives o sa paghahanap at pagbigay ng angkop na pagpopondo at suporta sa mga partner at network na siya ring naglalayong tumugon sa malalalim na problema ng komunidad.
Madalas kaming tinatanong kung paano namin sinusukat ang aming tagumpay sa pagkamit ng misyon na ito o, sa madaling salita, ang aming impact o resulta.
Mula sa aming pananaw, ito ay simple lamang. Kapag nagbibigay kami ng pondo sa isang partner, ang aming impact ay ganap na nakadepende sa impact na natamo ng partikular na organisasyong ito.
Maaari lamang kaming maging matagumpay kapag nagtagumpay ang aming mga partner sa kanilang mga layunin. At kapag nangyari ito, sila ang karapat-dapat na iparangal - dahil nasa kanila ang kritikal at mahirap na gawain.
Dahil dito, bahagi ng hinahanap namin sa isang partner ay ang malalim na kultura ng pagninilay at pag-aaral at mga sistema upang malaman kung ano ang gumagana, kung ano ang hindi at kung ano ang kailangan nilang baguhin (maaari magbasa nang higit pa tungkol sa kung ano ang hinahanap namin sa mga partner dito. Bagama't mahalaga ang pagkakaroon ng malakas na sistema ng pagsukat ng impact o resulta, gayundin kailangan ang mga naturang sistema ng pagsukat ay galing mismo sa aming mga partner sa halip na idinidikta ng mga nagpopondo.
Para sa bawat partnership na aming binubuo, ang mga sistema nila ay tinatanggap rin namin bilang sistema namin. Naniniwala kami na walang saysay para sa amin na bumuo ng mga alternatibong sistema pa. Ang aming mga partner ay ang mga eksperto sa kanilang sariling mga isyu at komunidad - isang mahalagang dahilan kung bakit kami nakikipagtulungan sa kanila. Kung hiniling at kapag naniniwala kami na mayroon kaming sapat na kaalaman sa isang partikular na problema, maaari kaming tumulong na palakasin ang gayong mga sistema ngunit hindi kailanman kami magdidikta ng sariling amin.
Kaya, mas interesado kami sa kung ano ang natutunan ng partner at para sa kanila na ibahagi ang data, mga insight at frameworks na kinokolekta at ginagamit nila. Bahagi ng aming tungkulin upang suportahan ang pag-aaral na iyon ay ang magbigay ng unrestricted funding upang isalin ang pag-aaral na iyon sa aksyon o mga pagbabago na kailangan.
Ang aming Tungkulin sa Philanthropic System:
Ang philanthropy o pagpopondo ay maaaring sumuporta sa mga makabagong pamamaraan ng kawanggawa, palakasin ang collaboration o pakikipagtulungan, at maging mahalagang simula ng mga kinakailangang pagbabago sa komunidad.
Gayunpaman, alam din namin na kadalasan ang mismong sistema ng pagpopondo ay nagiging sanhi ng mga problema rin. Maaari itong humantong sa mga kagawian at mga proyekto na sumasalungat sa mga resulta at solusyon na ating hinahangad para sa ating mga komunidad.
Kaya't, bilang Firetree Philanthropy, tinitingnan naming mabuti kung ano ang maaaring maging papel o kontribusyon namin upang baguhin ang sistema ng pagpopondo upang ito ay maging mas bukas, patas at epektibo sa pagsuporta sa makatarungan at inklusibong pagbabago.