Philippines Youth Resources Map
Kasabay ng aming pagsuporta sa pangmatagalan at positibong pagbabago sa mga komunidad, ang Firetree Philanthropy ay may matagal nang interes sa kung paano namin masusuportahan ang mga kabataan sa mga komunidad na ito bilang mga lider ng pagbabagong kinakailangan. Nagsagawa kami kamakailan ng isang simpleng pagmamapa upang talakayin ang sumusunod na tanong: "Kung ang isang kabataan sa Pilipinas ay gustong tumulong sa paglutas ng mga problema sa kanyang komunidad, anong uri ng suporta ang mahahanap niya?" Makikita sa blog post na ito ang ilan sa aming mga natutunan sa pagmamapang ito.
Sa aming pagmamapa ng mga youth resources, marami kaming nakitang mga programa at inisyatiba na maaaring makatulong sa mga kabataang lider sa Pilipinas. Ibinabahagi namin ang listahang ito sa ibaba. Hindi ito kumpleto o komprehensibong listahan. Ngunit umaasa kami na maaari itong maging isang kapaki-pakinabang na panimula at sana’y humikayat ng mas malawak na pagmamapa. Ayon sa karamihan ng mga nakausap naming mga kabataang lider at organisasyong pangkabataan, kailangan nila ng mas madaling mga paraan upang sila ay makanap ng angkop na suporta at resources.
Ilang bagay na dapat tandaan:
-
Interesado kami sa mga resources o inisyatibong sumusuporta sa mga kabataan bilang mga lider, changemaker, o tagalutas ng kanilang mga problema sa halip ng mga programang itinuturing bilang mga “beneficiary” lamang ang kabataan.
-
Ang listahang ito ay resulta ng isang panandalian at limitadong pagmamapa na ginawa namin kaya tiyak na hindi ito isang kumpletong listahan ng lahat ng mga resources na nakatuon sa kabataan sa Pilipinas. Ito ay batay sa desk research at mga rekomendasyon mula sa iba't ibang stakeholder. Hindi pa namin nasuri o nakatrabaho nang direkta ang marami sa mga entry dito. Kaya kung interesado kang matuto nang higit pa tungkol sa mga ito, inirerekomenda namin na direktang makipag-ugnayan ka sa mga programa o inisyatibang ito.
-
Nais naming malaman mula sa inyo kung mayroon kayong mga rekomendasyon para sa mga resources na maaaring idagdag sa listahan o kung may alam kayong ibang mga database katulad nito. Para sa iyong rekomendasyon, maaari mong gamitin ang form sa ibaba ng pahinang ito. Gusto rin naming makipagtulungan at matuto kung paano magagawa ang ganitong uri ng pagmamapa sa mas napapanatiling paraan.
-
Ang mga listahan sa database sa ibaba ay batay sa pampublikong impormasyon (halimbawa: mga website, mga pahina sa social media) na aming nakita at ikinategorya namin ang mga resources na ito. Ngunit kung ang iyong programa o inisyatiba ay nabanggit dito at gusto mong i-update o alisin ang alinman sa impormasyon, mangyaring gamitin din ang form sa ibaba.
-
Kung tinitingnan mo ito sa pamamagitan ng iyong cellphone, magagawa mong mag-scroll sa listahan at mag-click sa mga partikular na links upang basahin ang higit pang impormasyon. Kakailanganin mong gumamit ng desktop o laptop kung gusto mo ng mas maraming mga opsyon sa pagfilter o pag search sa database.
Maraming salamat!