Isang (Beginner) Facilitator's Guide para sa Systems Thinking
Ginawa namin ang gabay na ito (sa English at Tagalog) para sa mga komunidad, network, at organisasyon na gustong mai-pakilala ang systems thinking sa kanilang mga miyembro o teammate. Pinagsama-sama namin ang mga resources na sa tingin namin ay makakatulong para sa mga kabataang lider o mga lokal na grupong nakatuon sa paglutas ng mga problema sa kanilang komunidad.
-
Paano namin ginawa ang gabay na ito: Binuo namin ang nilalaman para sa gabay na ito sa pamamagitan ng pagreview ng malawak na koleksyon ng mga materyales tungkol sa systems thinking at pagbabahagi sa iyo ng ilan sa mga resources na maaaring makatulong para sa konteksto ng Pilipinas. Nakipagtulungan din kami at nakapanayam ng iba’t-ibang mga lokal na lider sa Pilipinas.
-
Nais naming kilalanin ang mga limitasyon ng aming proseso. Ang gabay na ito ay hindi nilalayong maging isang pang-akademikong pananaliksik dahil hindi kami mga akademiko o mga dalubhasa sa systems thinking. Una sa lahat, kami ay mga community-builders na nakita lamang ang mga benepisyo ng systems thinking sa aming mga proyekto at pagtrabaho.
-
Ang guide na ito ay nilalayong maging tulong para sa mga taong naguumpisa pa lamang sa pag-aaral tungkol sa systems thinking at nais tignan paano ito makakatulong sa pagtuon sa mga problema ng kanilang komunidad.
-
Mag-collaborate tayo! Umaasa kaming patuloy na palaguin ang gabay na ito. Kung gagamitin mo ito o ang alinman sa mga bahagi nito sa iyong mga komunidad, gustung-gusto naming marinig ang iyong feedback at anumang mga mungkahi kung paano ito gagawing mas mahusay. Nais rin naming malaman kung nakatagpo ka ng mga materyal na sa tingin mo ay magandang isama sa gabay. Maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa tjm@firetree.org .