What We Do
Sinusuportahan namin ang mga tao, mga lokal na organisasyon at mga network na nakatuon sa pagbuo ng higit na inklusibo, patas at makatarungang kinabukasan sa mga komunidad kung saan tayo’y sama-samang nagtatrabaho.
Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng tatlong magkakaugnay na mga hibla ng trabaho na nakalista sa ibaba. Mangyaring mag-click sa bawat icon para sa karagdagang mga detalye.
Partnership Funding
Ito ang aming pangunahing gawain sa pagpopondo. Nakatuon kami ayon sa heograpiya, sa halip na sa isang partikular na isyu o thematic area. Nagbibigay kami ng mga flexible grants (o iba pang mga uri ng financing, kung naaangkop) at thought leadership support (kung naaangkop din) sa mga organisasyon at network na may layuning panlipunan at isinasabuhay rin ang mga values ng Firetree Philanthropy.
Malalim ang koneksyon ng aming mga partner sa mga komunidad na kanilang pinagtatrabahuhan. Ang kanilang mga programa ay masasabing multi-faceted at collaborative. Nilalayon naming bumuo ng malalim at bukas na pagsasama sa aming mga partner na nakabatay sa tiwala, paggalang sa isa't isa, flexibility, pagkatuto at shared values.
Alam namin na nangangailangan ito ng oras - madalas ilang taon - at hindi ito madali. Sa aming karanasan, ang pagkakaroon ng pasensya at pagbibigay ng kinakailangang oras ay ang tanging paraan upang mabago ang “power dynamics” ng pagpopondo, upang mapondohan nang epektibo ang mga programa at, higit sa lahat, upang makamit ang ating mga layunin para sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran.
​
Alam namin na minsan kami ay nagkukulang din kaya’t kailangang tuloy-tuloy ang pagninilay at pagkakatuto. Para sa higit pang mga detalye, mangyaring tingnan ang mga pahina ng How We Work at Where We Work.
Based on our learning and reflections to date, for 2022 we also plan to launch an additional strand of grant funding work, targeting smaller / earlier-stage grassroots organisations in the countries in which we work.
​
For all aspects of our philanthropic funding, we find partners through pro-active outreach via our networks and referrals from existing partners.
​
Connecting, Learning & Sharing
Batay sa aming personal na karanasan sa pagpapatakbo ng mga non-profit at sa karanasan ng aming mga partners, nakitang namin na ang pagkonekta, pag-aaral at pagbabahagi (“connecting, learning & sharing”) ay mahalaga sa pagkamit ng pangmatagalang pagbabago.
At dahil ito ay isang aspetong hinahanap namin sa aming mga partner, karapat-dapat lamang na isabuhay rin namin ito. Nilalayon naming gawin ito sa pamamagitan ng:
-
Mga regular na blog upang ibahagi ang aming mga natututunan at ibahagi rin ang mga insight at resources mula sa aming mga partner.
-
Pagpopondo sa mga network at koalisyon, kung naaangkop.
-
Pagkokomisyon ng partikular na pananaliksik o research sa mga isyung ikinakahalagahan namin at ng aming mga partners bilang ambag sa sama-samang pagtututo.
Sa 2022, balak din naming maglabas ng bagong programa na susuporta sa mga indibidwal na lider na nakatuon sa pagbuo ng mas makatarungan, patas, at inklusibong komunidad na galing sa mga bansa kung saan kami kasalukuyang nagpopondo. Ibabalita namin ang higit pang mga detalye kapag handa na ang programa.
Collaborative Initiatives
Sa mga espesyal na sitwasyon, bumubuo o nag-iincubate kami ng mga collaborative initiatives na kaanib rin sa mga pangkalahatang estratehiya at values ng Firetree Philanthropy. Kabilang sa mga sitwasyon o kondisyong ito ang:
Kapag may malinaw na agwat o pangangailangan sa kasalukuyang konteksto na aming pinagtutuunan ng pansin, kung saan kami ay may direktang naaangkop na kaalaman o karanasan sa (mga) problemang ito at maaaring makipagtulungan sa pagdidisenyo at pag-implement ng kinakailangang interbensyon.
Ang Tondo Community Initiative (TCI) ay isang halimbawa nito. Ang TCI ay isang collaborative initiative sa komunidad ng Tondo, Manila at ng Stairway Foundation.
Ito ay isang hiwalay na legal entity na tumatanggap ng suportang pinansiyal at thought partnership support (kung naaangkop) mula sa Firetree Philanthropy. Nakikipagtulungan ang TCI sa mga stakeholder sa Tondo at Metro Manila. Maaari basahin ang higit pa tungkol sa TCI dito.